JERRY OLEA:
Magkasabong sa takilya ngayong Oktubre 16, 2024, Miyerkules, ang dating co-stars na sina Marian Rivera at Lovie Poe.
Nagkasama noon ang dalawa sa Temptation Island (2011) movie, kunsaan gumanap si Lovi bilang Cristina G at si Marian bilang si Serafina L.
Bida si Kapuso Prime Time Queen Marian bilang teacher na ina ni Will Ashley sa political thriller satire drama na Balota, sa panulat at direksyon ni Kip Oebanda.
Ang setting nito ay 2007 elections sa isang munting bayan kung saan wagas ang labanan ng dalawang mayoralty candidates.
Bida ang Philippine Supreme Actress na si Lovi Poe bilang isang abogada sa sensual movie na Guilty Pleasure, sa direksyon ni Connie Macatuno.
Nakahalikan at nakalampungan ni Lovi sina JM de Guzman at Jameson Blake na abogado at intern ang karakter, respectively.
Non-linear ang narrative ng Guilty Pleasure, na nag-umpisa sa Nobyembre 2024, at bumalik-balik sa panahon bago magpandemya.
Kapwa nagmura nang malutong sina Marian at Lovi sa kani-kanyang movie.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Parehong napapanahon ang Balota at Guilty Pleasure. Ang Balota, dahil sa eleksyon sa susunod na taon. Ang Guilty Pleasure, dahil sa usapin ng sexual abuse, harassment or exploitation.
One hour 42 minutes ang running time ng Balota, na Rated R-13 ng MTRCB, samantalang R-16 ang Guilty Pleasure na ang running time ay 1 hour 59 minutes.
Top-grosser ang Balota sa Cinemalaya XX: Loob Lalim Lakas noong Agosto 2-11, 2024. Tinanghal doon na Best Actress si Marian, katabla si Gabby Padilla ng Kono Basho.
Totoo ba na triple tie sana roon sa pagka-Best Actress at wagi rin sana ang co-star ni Gabby na si Arisa Nakano?
MARIAN RIVERA, LOVI POE AWARDS
Ang unang Best Actress award ni Lovi ay para sa 6th Cinemalaya Film Fest (2010) para sa pelikulang Mayohan. Noong taong iyon ay nag-Best Actress din si Lovi sa FAMAS para sa pelikulang Sagrada Familia.
First Cinemalaya movie ni Marian ang Balota, na ayon sa Facebook page ng GMA Pictures ay opening today sa 168 cinemas nationwide.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Maliban kina Marian at Will, nasa cast din ng Balota sina Nico Antonio, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Sue Prado, Esnyr, Sassa Gurl, Donna Cariaga, Joel Saracho, Gardo Versoza, at Mae Paner.
First movie na pinrodyus itong Guilty Pleasure, sa ilalim ng C’est Lovi Productions. Co-producer siya ng Regal Entertainment.
Ayon sa Facebook page ng Regal Entertainment Inc. ay mapapanood ito sa mahigit 135 sinehan.
Co-stars nina Lovi, JM at Jameson sa Guilty Pleasure sina Sarah Edwards, Dustin Yu, Angelica Lao, Johnny Revilla, Soliman Cruz, Raf Pineda, Adrienne Vergara, at Christian Ty.
Ang huling primetime series ni Marian ay My Guardian Angel with Gabby Concepcion. Ang huling primetime series ni Lovi ay FPJ’s Batang Quiapo, na hanggang ngayon ay naghahari sa TV ratings.
Before Balota, bida si Marian at ang husband na si Dingdong Dantes sa MMFF 2023 official entry na Rewind, ang pinakamalakas na pelikulang Pinoy sa kasaysayan (hindi adjusted sa inflation).
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Kasama sina Marian at Dingdong sa 16 MMFF icons na nasa pilot mural painting sa EDSA kaugnay sa golden edition ng MMFF.
Ang huling movie na pinagbidahan ni Lovi ay Seasons (2023) with Carlo Aquino na diretso streaming sa Netflix. Nag-number 1 ito sa Top 10 Movies in the Philippines ng Netflix Philippines noong Hulyo 9-15, 2023.
Ang lima pang pelikulang opening today sa local cinemas ay Azrael, Smile 2, Super/Man: The Christopher Reeves Story, The Apprentice, at Crosspoint nina Carlo Aquino at Takehiro Hira.
NOEL FERRER:
Nakakatuwa lang dahil ang talent ko na si Adrienne Vergara ay na-single out ng Goldwin Reviews para sa kanyang maiksing exposure sa Guilty Pleasure na palabas na sa mga sinehan.
Ang sabi, “Adrienne Vergara is guilty in providing pressure and joy to the audience for her vibrant performance.”
Sana’y parehong kumita ito at ang Balota na palabas na sa mga sinehan. I’m sure full blast ang paggamit ng Marian at Lovi magic para mapantayan man lang ang mga naunang kumitang pelikulang Filipino.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Sana, suportahan natin ang mga pelikulang ito na pinag-effort-an naman talaga, in all fairness!
GORGY RULA:
Heto na nga! Hindi maiwasang pagtapatin ang dalawang bida ng Tempation Island, si Marian Rivera ng Balota at si Lovi Poe ng Guilty Pleasure.
Pagdating sa aktingan, may pruweba na si Marian dahil may bitbit na siyang Balanghai trophy ng Cinemalaya 20.
Dito kaya sa Guilty Pleasure ay magka-Best Actress si Lovi?
Ang galing kasi talaga ni Lovi sa pelikulang ito, kaya puwede talaga siyang mapansin sa award-giving bodies.
Lalo siya tuloy kinabahan nang nakakatanggap na siya ng mga papuri pagkatapos ng screening sa premiere night nung Martes.
Ani Lovi, “Honestly, sinasabi ko, parang hindi ko yata kayang mag-play ng lawyer kasi kinakabahan ako na parang baka hindi ko mabigyan ng hustisya. So, I really appreciate it.
“But, this is one of the projects I’m really most proud of, not because I’m the producer and partner, but because I’m with Direk Connie [Macatuno], and talagang I know she really works with everyone.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“So, parang she brings out the best in all of us. Parang the performance of every actor talaga, lahat nag-shine. That’s what I love about her.”
Kapansin-pansin pa ang pa-fashion show ng lead stars dito sa Guilty Pleasure.
Ang bongga ng pa-outfit ni Lovi rito bilang si Atty. Alexis Miranda.
‘Love Local’ sila rito na Filipiniana-inspired ang mga suot niya.
“Local siya and ang ganda ng back stories ng lahat ng tao, and it’s a very intelligent film,” sabi pa ni Lovi.